Mga bus driver sa Araneta bus terminal, sumalang sa breath analyzer test

Nagsagawa ng breath analyzer test ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa mga bus driver sa Araneta Center Bus Terminal sa Cubao, Quezon City.

Ito ay para masiguro na hindi nakainom ng alak ang mga bus driver na bibiyahe sa iba’t ibang probinsya ngayong Semana Santa.

Bukod sa breath analyzer test, sinuri naman ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga bus driver, konduktor at dispatcher sa drug test para masiguro na hindi gumagamit ng illegal na droga.

Sa Miyerkules at Huwebes pa inaasahang mas dadagsa pa ang mga pasahero sa bus terminal.

Read more...