Nagsimula nang dumagsa ang mga pasaherong uuwi sa mga lalawigan para gunitain ang Semana Santa.
Ayon sa pamunuan ng Araneta Center Bus Terminal, tinatayang nasa 7,000 ang umuwi sa mga probinsya araw pa lang ng Lunes.
Halos doble na ito sa karaniwang bilang ng mga pasahero na bumabyahe kada araw.
Bukas, araw ng Miyerkules inaasahan ang pagdagsa ng mas maraming pasahero dahil ito ang huling araw ng trabaho bago ang long weekend.
Ilang biyahe ng bus papunta ng Cagayan, Baguio, Sorsogon, Masbate at Samar ay fully-booked na para bukas at sa araw ng Huwebes.
Nagbabalak naman ang bus lines na magdagdag ng biyahe para makapagserbisyo sa mas marami pang pasahero.
MOST READ
LATEST STORIES