San Miguel 2-0 na sa PBA semis vs Phoenix; Standhardinger na-eject sa 2nd quarter

Tristan Tamayo, Inquirer.net

Nakabangon ang defending champion San Miguel Beer sa double-digit na lamang at nanguna na sa kartadang 2-0 matapos talunin ang Phoenix sa kanilang Philippine Cup semifinals series sa score na 92-82.

Nagtala si reigning five-time MVP June Mar Fajardo ng double-double sa 19 points at 18 rebounds habang pinangunahan ni Marcio Lassiter ang panalo ng Beermen sa ginawa nitong 24 points.

Ayon kay San Miguel coach Leo Austria, maswerte sila na lamang na sila sa serye dahil alam nilang magiging matindi ang laro ng Phoenix.

Lamang ang Phoenix ng hanggang 12 points hanggang sa ikatlong kwarter pero pagdating sa fourth quarter ay pinagtulungan nina Lassiter at Terrence Romeo ang paghabol ng koponan.

Tristan Tamayo, Inquirer.net

Nakahabol ang Beermen kahit nawala sa laro si Christian Standhardinger na na-eject sa natitirang 6 na minuto sa second quarter matapos itong tawagan ng flagrant foul penalty 2.

Muling magsasagupa ang San Miguel at Phoenix sa Game 3 sa Linggo.

Read more...