Sumiklab ang sunog sa Notre-Dame Cathedral sa Paris Lunes ng hapon o Martes ng madaling araw dito sa Pilipinas.
Ayon sa mga otoridad, posibleng may kaugnayan ang sunog sa isinasagawang renovation sa lugar.
Nagsimula ang sunog alas 5:00 ng hapon at agad na nagpatupad ang Paris City Hall ng evacuation sa cathedral.
Sa mga larawan sa social media ay makikita ang malakas na apoy at usok na nagmumula sa tuktok ng Notre Dame.
Kasalukuyang nire-renovate ang itaas na bahagi ng cathedral sa halagang 6 million euro o $6.8 million.
Sinabi naman ni Paris Mayor Anne Hidalgo na inaapula ng mga bumbero ang sunog at inabisuhan nito ang publiko sa ipinatupad na seguridad sa paligid ng Notre Dame.
MOST READ
LATEST STORIES