Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, nagpositibo sa shabu ang 35 drayber ng bus, 17 konduktor at isang dispatcher.
Hindi makakabiyahe ang mga nagpositibo sa droga at kukumpiskahin din ang lisensya.
Ani Aquino, kinakailangang dumaan sa rehabilitation process ang mga ito para muling makuha ang kanilang lisensya.
Samantala, ang aktibidad ay parte ng “Oplan: Huli Week” ng PDEA sa kasagsagan ng Semana Santa.
Layon nitong matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero ng mga bus na bibiyahe patungo sa mga lalawigan ngayong Mahal na Araw.
Dagdag pa ni Aquino, ang drug testing ay isinagawa dahil sa dumaraming bilang ng mga aksidente sa kalsada bunsod ng pagkalulong ng mga drayber sa ilegal na droga.
Nasa 7,729 transport workers mula sa 89 transportation terminal ang sumailalim sa mandatory drug testing.