Pumalo na sa mahigit 97,000 ang bilang ng mga pasahero sa iba’t ibang pantalan sa bansa sa Lunes Santo, April 15.
Base sa monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG), nasa kabuuang 97,233 ang outbound passengers mula 6:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.
Ito ay mas mataas ng apat na beses sa naitalang 23,090 na pasahero mula 12:00 ng hatinggabi hanggang 6:00 ng umaga.
Karamihan sa mga pasahero ay mula sa Western Visayas partikular sa Antique, Aklan, Iloilo at Capiz na may 18,987 na pasahero.
Sumunod ang 12,208 na pasahero sa mga probinsya ng Southern Tagalog tulad ng Batangas, Oriental Mindoro, Southern Quezon, Occidental Mindoro, Romblon at Quezon.
11,785 naman ang naitalang pasahero sa Central Visayas.
Noong Linggo ng Palaspas, nakapagtala ang PCG ng 91,604 na pasahero.