Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P3.7 Trillion 2019 national budget.
Ginawa ng pangulo ang paglagda ngayong araw at walang nang seremonya na ginawa sa Malacañang.
Gayunman, sinabi ni Executive Sec. Salvador Medialdea na nai-veto ng pangulo ang P95.3 billion na hindi kasama sa mga priority projects ng pangulo.
Nauna dito ay sinabi ni Senate President Vicente “Tito’ Sotto III na gagamtin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang veto power sa ilang iligal na realignment na ginawa sa 2019 national budget.
Sinabi ni Sotto na nakausap niya si Executive Sec. Salvador Medialdea at sinabi nito na ikinukunsidera ng pangulo ang ilang puna ni Sotto sa panukalang pondo.
Nauna nang sinabi ni Sotto na pinakialaman ng ilang kongresista ang laman ng 2019 budget na nauna nang ipinasa ng dalawang kapulungan ng kongreso.