Special non-working holiday sa Dec. 8 sa ilang lugar

Idineklara ni Pangulong Noynoy Aquino ang December 08, 2015 bilang ‘special non-working day’ sa Taguig City; lalawigan ng Batangas; Batac City sa Ilocos Norte; Antipolo City; at bayan ng Agoo sa La Union.

Ang deklarasyon ng special non-working days sa mga nabanggit na lugar ay batay sa magkakahiwalay na Proclamations na pinirmahan ni Presidente Aquino noong December 01, 2015.

Sa December 08, gugunitain ng mga taga-Taguig City ang kanilang foundation day.

December 08 din ang foundation day ng Batangas Province; at Batac City, Ilocos Norte.

Ipagdiriwang naman ang 424th Foundation day ng Antipolo City sa naturang petsa; habang 437th Foundation day din ng Bayan ng Agoo, La Union.

Ayon kay Pangulong Aquino, nararapat at angkop para sa mga residente sa mga naturang lugar na magkaroon ng buong pagkakataon na maipagdiwang at makibahagi sa mga okasyon at seremonyas.

 

Read more...