Dagdag na mga pulis ikinalat sa mga simbahan at tourist destinations

Inquirer file photo

Kasunod ng pagtataas ng heightened alert, nagpakalat ang Philippine National Police (PNP) ng kabuuang 91,201 na personnel sa iba’t ibang tourist destination at simbahan.

Ito ay para matiyak ang kaligtasan ng publiko ngayong Semana Santa.

Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni PNP chief General Oscar Albayalde na binigyan ng otoridad ang mga regional police directors na itaas ang alert level sa kanilang mga nasasakupang police unit depende sa sitwasyon sa lugar.

Posible aniyang itaas sa full alert status ang PNP simula sa Miyerkules Santo kung saan inaasahan ang pagdagsa ng mga bibiyahe patungong lalawigan.

Tiniyak ng PNP chief na wala namang natututukang banta ng terorismo ang kanilang intelligence information sources.

Katuwang ng PNP sa pagbabantay ng kaayusan sa mga matataong lugar ang mga local at barangay officials.

Read more...