Katwiran ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, kahit na walang lalawigan ay mananakop ng lugar ang China ito ay kung gugustusin nila.
Nilinaw rin ng kalihim na hindi aplikable sa kaso ng Palawan ang tinatawag na “divide and conquer” na karaniwang ginagawa sa pulitika.
Nauna dito ay kabilang si Hontiveros sa mga mambabatas na nagpahayag ng pagtutol sa paghati sa tatlo sa lalawigan ng Palawan.
Noong April 5 ay nilagdaan ng pangulo ang paghahati sa nasabing lalawigan na tatawagin ngayon bilang Palawan del Norte, Palawan del Norte at Palawan Oriental.
Layunin ng mga naghain ng panukalang batas na mapabilis ang paghahatid ng basic services sa mga malalayong bayan dahil isang malaking lalawigan ang Palawan.