“Bikoy” iimbestigahan ng PNP dahil sa kanyang impormasyon sa droga

Magsasagawa ng imbestigasyon ang Philippine National Police (PNP) para malaman ang nag-upload ng mga video na nag-uugnay sa mga kaanak at kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang drug syndicate.

Ito ay kaugnay sa mga video ng isang alyas ‘Bikoy’ na dati umanong miyembro ng drug syndicate.

Ayon kay PNP chief Gen. Oscar Albayalde, magkukusa ang PNP na malaman ang pagkakakilanlan ng uploader kahit wala pa silang natatanggap na formal complaint.

Sinabi pa nito na wala pa silang namomonitor na anumang grupo na mayroong tatak na dragon tattoo.

Nagbabala naman si Albayalde kay ‘Bikoy’ sa posible nitong haraping cyber libel case kung hindi mapapatunayan ang mga alegasyon niyo.

Dapat aniyang magprisinta ng mga matitibay na ebidensya si ‘Bikoy’ para patunay ang mga akusasyon nito.

Read more...