Mga miyembro ng gabinete nagpulong sa Malakanyang dahil sa problema sa tubig at kuryente

We are on top of it.

Ito ang naging pagtitiyak ng Department of Energy (DOE) sa Malakanyang sa gitna ng napipintong krisis sa suplay ng enerhiya sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesmna Salvador Panelo, base sa kanyang pakikipag-usap kay Energy Secretary Alfonso Cusi, tinutugunan na ng kanyang ahensya ang naturang problema.

Katunayan, sinabi ni Panelo na may ginagawang pagpupulong ngayon sa Malakanyang ang mga miyembro ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay para talakayn ang problema sa suplay ng enerhiya pati na sa tubig.

Read more...