Anak ni Sen. Manny Pacquiao wagi via knockout sa kaniyang unang amateur fight

Wagi via knockout sa kaniyang kauna-unahang amateur fight ang anak ni Senator Manny Pacquiao na si Jimuel.

Noong Sabado sumabak ang 18-anyos na panganay ni Pacquiao sa kaniyang unang laban.

Dalawang round lamang ang itinagal ng laban at nagwagi si Jimuel via knockout matapos pabagsakin ang 26 anyos na kalaban na si Miguel Egan.

Ibinahagi din ni Senator Pacquiao ang saglit na video ng naturang laban sa kaniyang Instagram account.

Noong nakaraang linggo nag-post si Sen. Pacquiao ng video nila ni Jimuel habang sinasanay niya ang anak.

Ang post ay mayroong caption na “The future”.

 

Read more...