Mga kumpanya ng langis nag-abiso na ng oil price hike; presyo ng gasolina tataas ng mahigit P1/L

Inilabas na ng mga kumpanya ng langis ang magiging halaga ng dagdag sa kanilang produktong petrolyo ngayong linggo.

Ayon sa abiso ng kumpanyang Shell at Seaoil, may dagdag silang P1.05 sa kada litro ng gasolina; P0.75 sa kada litro ng diesel at P0.60 sa kada litro ng kerosene.

Ang Petro Gazz at Phoenix Petroleum ay may kaparehong dagdag sa halaga ng kanilang gasolina at diesel.

Epektibo ang taas presyo sa produktong petrolyo bukas alas 6:00 ng umaga.

 

Read more...