Isinailalim sa drug testing ang mga konduktor at driver ng bus sa ilalim ng “Oplan Huli Week” ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Nagtakda ang PDEA ng 18 lugar para isailalim sa pagsusuri ang mga bus driver na bibyahe ngayong Holy Week.
Nangunguna dito ang Araneta Center Bus Terminal sa Cubao, Quezon City.
Ayon kay PDEA Spokesperson Derrick Carreon, ang sinumang magpopositibo sa drug test ay hindi papayagang bumiyahe at kukumpiskahin din ang kanilang lisensya.
Inaasahang mailalabas ang resulta ng drug test ngayong hapon.
Nagkaroon din ng surprise drug test ang PDEA at LTO sa mga bus driver, konduktor at dispatcher sa Baguio City at maging sa Davao City.
MOST READ
LATEST STORIES