Madonna may bagong album na may pamagat na “Madame X”

Makalipas ang apat na taon mula nang i-release ang pinakahuling CD niya na Rebel Heart, maglalabas ng bagong album ang singer na si Madonna

Ang bagong album ay may pamagat na Madame X.

Noong isang taon, nagpatikim na si Madonna tungkol sa bagong proyekto bagamat hindi direktang tinutukoy dito ang nasabing album.

Inilarawan din niya ang karakter bilang : “a secret agent traveling around the world, changing identity, fighting for freedom, and bringing light to dark places.”

Kasabay nito ay naglabas din siya ng teaser video sa kanyang Youtube channel na may pamagat na “Madonna – Welcome to the world of Madame X.”

Wala pang petsa kung kailan opisyal na ilalabas ang nasabing album.

Read more...