Base sa update mula sa PAGASA Hydro-meteorological Division, sa nakalipas na 24 na oras, ang nabawasan ang water level sa ilang mga dam sa Luzon.
Ang Angat dam ay nasa 186.35 meters ang water level ngayong umaga ng Lunes (April 15), mas mababa kumpara sa 186.87 meters kahapon.
Ang La Mesa dam naman ay hindi nabawasan at nanatili sa 68.48 meters ang water level.
Wala ding pagbabago sa water level ng Ipo dam at nanatili sa 100.98 meters.
Samantala, nadagdagan naman ang water level sa Binga, Magat at Caliraya dams.
Habang nabawasan naman ang water level sa Ambuklao dam, San Roque dam, at Pantabangan dam.
READ NEXT
Mga bus maagang idineploy sa MRT-3 stations ngayong unang araw ng maintenance shutdown ng mga tren
MOST READ
LATEST STORIES