Dahil sa pagtigil ng operasyon ng MRT-3 simula ngayong araw, Lunes Santo, Apr. 15, maagang inumpisahan ang deployment ng mga bus na maaring masakyan ng mga pasahero ng tren.
Sa North Avenue Station sa EDSA, alas 5:00 pa lamang ng umaga ay may mga bus nang na-abang ng mga pasahero.
Ang nasabing mga bus ay hihinto sa bawat istasyon ng tren ng MRT-3 para magsakay at magbaba ng pasahero.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), pagsapit ng alas 7:00 ng umaga ay umabot na sa 60 bus ang naideploy sa MRT-3 North Avenue Station.
Bibiyahe ang mga bus hanggang alas 9:00 ng gabi mula ngayong araw hanggang sa Linggo ng Pagkabuhay.
Pero walang biyahe ang mga bus sa Huwebes Santo at sa Biyernes Santo.
READ NEXT
Kalbaryo ng mga magsasaka dahil sa Rice Import Liberalization Law ayon kay Rep. Ariel Casilao
MOST READ
LATEST STORIES