Ito ay dahil pa rin sa manipis na reserba ng kuryente dahil sa mga hindi inaasahang pag-shutdown ng mga planta.
Narito ang mga oras ng pag-iral ng yellow at red alert:
9:00AM-1:00PM YELLOW ALERT
4:00PM-5:00PM YELLOW ALERT
6:00PM-8:00PM YELLOW ALERT
1:00PM-4:00PM RED ALERT
Dahil dito, iniutos na ng DOE ang pagpapatupad ng Interruptible Load Program (ILP).
Para naman sa mga nasa bahay, maaring makatulong sa maliit na paraan upang makatipid sa enerhiya.
Ilan sa mga pwedeng gawin ay ang mga sumusunod:
1. Iwasan ang pagbukas-sara ng refrigerator kung hindi kinakailangan.
2. Palaging linisin ang mga electric fan blades at aircon vents.
3. I-unplug ang mga appliances on standby na hindi ginagamit.