Burgos, Surigao Del Norte niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang bayan ng Burgos sa lalawigan ng Surigao Del Norte.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 30 kilometers Northeast ng bayan ng Burgos, alas-5:53 umaga ng Lunes (April 15).

May lalim na 8 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Read more...