12 katao arestado dahil sa ilegal na sabong sa Makati

Arestado ng mga otoridad sa Makati City ang labindalawang katao dahil sa paglabag illegal na sabong sa Makati City.

Sa ulat ng Makati City police, dinakip ang 12 sa Barangay La Paz dahil sa paglabag sa PD 1602 o illegal cockfighting law.

Naaresto ang mga suspek sa bahagi ng Zobel Roxas Street matapos ang isinagawang surveillance operations hinggil sa ilegal na pagpapasabong sa lugar.

Nakuha sa mga suspek ang dalawang manok, na panabong, mga perang ginamit pangtaya na nagkakahalaga ng 4,500.

Read more...