Dahil sa pagsasara ng MRT ngayong araw, mahigit 100 bus ipapakalat

Mahigit 100 na bus ang ipapakalat upang masakyan ng commuters kasabay ng pansamantalang pagsasara ng MRT bukas.

Sa twitter post ng DOTr MRT-3, ibinigay nila ang mga lugar na madadaanan ng mga bus mula North Avenue hanggang Taft Avenue.

Ang oras na pwedeng sumakay sa mga bus ay ala-singko ng umaga hanggang alas-nuwebe ng gabi.

Pagkatapos pa ng Semana Santa muling bubuksan ang MRT 3 sa mga publiko.

Read more...