4 arestado dahil sa pagbebenta ng pekeng sigarilyo

Inquirer file photo

Arestado ang dalawang Chinese national at ang kasama nilang dalawang Pinoy dahil sa pagbebenta ng pekeng sigarilyo sa Brgy. Wakas, Bocaue.

Ayon sa mga pulis, may nakuha silang report na nagbebenta umano ang mga ito ng mga pekeng sigarilyo.

Inobserbahan nila umano ang mga ito saka nagsagawa ng buy-bust operasyon sa isang warehouse sa Bocaue.

Nakuha sa mga suspek ang 40 karton ng sigarilyo na P1 milyon ang halaga.

Mahaharap ang mga suspek sa mga ihahaing kaso laban sa kanila.

Read more...