3 arestado nang mahulihan ng P1.1 million na shabu sa Cebu City

Tatlo ang arestado nang mahulihan ng P1.1 million halaga na shabu sa isinagawang buy-bust operation sa isang apartment sa Barangay Bulacao, Cebu City noong Sabado ng umaga.

Ang mga suspek ay sina Archie Abellana na kilala ring Archie Bayot, 39 anyos, Maryjory Arriesgado, 33 anyos at si Lendon Gonzaga, 37 anyos.

Ayon kay Police Major Regino Maramag, hepe ng pardo Police Precint, lider ng drug syndicate si Abellana na labas pasok sa kulungan samantalang ang dalawa nitong kasamahan ay kaniyang katiwala.

Nakompiska ang 168.14 gramo ng hinihinalang shabu sa mga suspek na nagkakahalaga ng P1.1 milyon.

Nakadetena na ang mga suspek sa Pardo Police Precint para sa kanilang haharaping kaso.

Read more...