P4.5M shabu, nasabat sa anti-illegal drug operations sa Cebu City

Nasabat ng mga otoridad sa anti-illegal drug operations sa loob lamang ng walong oras ang P4.5 million na hinihinalang shabu noong Sabado ng gabi sa Cebu city.

Ayon kay Lieutenant Colonel Glenn Mayam, hepe ng Philippine Drug Enforcement Group sa Visayas, naaresto ang nagngangalang Arnold Resurection na may dala-dalang kalahating kilo na shabu.

Minanmanan aniya nila ang suspek nang tatlong linggo matapos nilang malaman sa nahuli nilang drug courier noong nakaraang buwan tungkol sa mga ilegal na gawain nito.

Si Resurection ay nasa Abellana Police Precint para harapin ang mga kasong isasampa sa kaniya.

Read more...