Tumama ang magnitude 3.5 na lindol sa Apayao, Linggo ng umaga.
Sa datos ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa 5 kilometers Southeast ng Conner bandang 11:33 ng umaga.
May lalim itong 31 kilometers at tectonic ang origin.
Gayunman, walang naitalang pinsala sa mga ari-arian.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES