Eleazar nagpaalala sa mga bakasyonista ngayong Semana Santa

Pinayuhan ni National Capital Region Police Office Chief Guillermo Eleazar ang publiko na gawing hard target ang kanilang mga bahay kung magbabakasyon ngayong semana santa.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Eleazar na maggawa ito kapag ikinandado ng maayos ang mga pintuan, walang iniwang mahahalagang bagay sa labas ng bahay at kung iiwasang mag post sa social media na nakabasyon sila.

Kung kakayanin aniya, mas makabubuting maglagay ng alarm system o CCTV na maaring mamonitor sa mga remote area.

Pagtitiyak ni Eleazar, nakaalerto ang mga pulis sa Metro Manila at kumuha na rin ng mga force multiplier gaya ng mga barangay tanod at iba pang mga opisyal ng barangay.

Read more...