Ito ay bunsod ng epekto ng tail of a cold front sa Northern at Central Luzon.
Sa inilabas na bulletin report ng Pagasa, ang mga rehiyon ng Ilocos, Cordillera Administrative, Cagayan Valley, at Central luzon ay makakaranas ng maulap na kalangitan na may kasamang ulan at pagkidlat.
Nagbigay babala rin ang Pagasa asahan na ang mga posibleng flashfloods na dulot ng pag-ulan sa mga apektadong lugar.
Ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa ay makakaranas ng bahagyang maulap na kalangitan hanggang sa mauulap na kalangitan na may rainshowers o thunderstrorms dulot ng easterlies.
Asahan na rin umano ang mga pagbaha sa kalakhang Maynila dala ng mga pag-ulan.