Ito ay matapos magmatch ang DNA sample na nakuha ng militar sa isang banggay na pinaniniwalaang si Abu Dar.
Lumabas ang resulta ng DNA test pagkaraan ng isang buwan matapos mapatay si Abu Dar sa ikinasang operasyon ng AFP sa bayan ng Tubaran at Pagayawan sa Lanao del Sur.
Ayon naman kay Coronel Romero Brawner, commander ng Army’s 103rd Infantry Brigade, ang kamatayan umano ni Abu Dar ay hudyat ng katapusan ng Dawlah Islamiya Lanao Group.
Aniya pa, leader-centric ang grupo at nang ma-neutralize ng dalawang lider sa Marawi Siege ay idineklara na ni Pangulong Duterte ang paglaya ng Marawi mula sa impluwensya ng mga terorista.
Ang tinutukoy na mga lider ay sina Abu Sayyaf leader Isnilon Hapilon at Omar Maute na nanguna sa pag-atake sa Marawi noong nakaraang taon.
Ani Brawner, kasama si Abu Dar sa nagplano at nagsagawa ng pag-atake pero nakatakas agad ito matapos masugatan sa labanan.
Walang nakakaalam na tubong Pagayawan si Abu Dar at isa itong terrorist leader noong panahon na siya ay napaslang.
Sa ngayon ay hinihintay na lamang ng militar sa Marawi at Lanao del Sur ang kopya ng DNA result mula sa Philippine National Police (PNP) Scene of the Crime Operatives (SOCO) at inaasahang iaanunsyo ito ni Pangulong Duterte sa publiko.