Kinwestyon ni Año kung bakit nasama ang bansa sa listahan gayong patuloy ang pagbaba ng bilang ng kasong kidnapping nitong mga nakaraang taon.
Aniya pa, listahan lamang umano ito at mayroong datos na nakakapagpakita na bumababa ang ganitong mga insidente sa bansa.
Hindi rin aniya malinaw kung paano nabuo ang listahan na inilabas ng Estados Unidos ngunit mayroon naman aniyang matibay na paninindigan si Pangulong Rodrigo Duterte sa paglaban sa kliminalidad sa buong bansa.
Matatandaang naglabas ng listahan ang US Department of State noong April 9 kung saan kabilang ang Pilipinas sa 35 bansa na mapanganib umanong puntahan dahil mataas ang panganib na madukot.