Christmas express bus service, tangkilikin-LTFRB

 

Pinayuhan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang mga pasahero ang tangkilikin ang Christmas Express bus service, na nagsimula na ang implementasyon kahapin.

Ayon kay LTFRB chairman Atty. Winston Ginez, layon ng programa na mabawasan ang holiday traffic congestion, sa pamamagitan ng paghimok sa mga private car users na gumamit ng public transport.

Ang Christmas Express bus service ay may tatlong point-to-point destinations sa Metro Manila.

Kabilang sa mga ruta ay mula Trinoma hanggang Park Square, Ayala Center; SM North Edsa hanggang Glorietta 5, Ayala Center at SM Megamall hanggang Park Square, Ayala Center.

Sinabi ni Ginez na aabot sa dalawampung high quality busus ang gagamitin sa programa, upang matiyak ang aniya’y mas maaasahan at kumportableng communiting experience para sa mga mananakay.

Ang pasahe sa non-stop bus services para sa routes A1 at A2 ay nasa 80 pesos lamang, habang ang mga rutang A3 ay kailangan lamang magbayad ng 50 pesos.

 

Read more...