Rafael Nadal nasa Pilipinas para sa 2nd IPTL.

Nasa Pilipinas ngayon si Rafael Nadal para dumalo sa Second International Premier Tennis League (IPTL) na gaganapin sa Mall of Asia Arena ngayong araw.

Pasado 10:00 kagabi, Disyembre 5 nang dumating si Nadal sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sakay ng Emirates Airlines.

Ayon kay Nadal, ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakarating siya ng Pilipinas.

Pangungunahan ni Nadal ang koponang Micromax Indian Aces at makakalaban ang Obi UEA Royals bukas ng hapon, Disyembre 7.

Sa araw ng Martes, Disyembre 8 makakalaban naman ng koponan ni Nadal ang Philippine Mavericks.

Bukod kay Nadal, maglalaro rin sa IPTL games ang isa pang tennis superstar na si Serena Williams.

Read more...