NWRB: Angat Dam posibleng umabot sa critical level sa mga susunod na linggo

By Den Macaranas April 13, 2019 - 10:16 AM

Radyo Inquirer

Nagbabala ang National Water Resources Board (NWRB) na posibleng umabot sa critical level ang tubig sa Angat Dam sa pagtatapos ng Abril.

Sinabi ng NWRB na umabot na kahapon, araw ng Biyernes sa 187.7 meters above sea level ang tubig sa nasabing dam at ito ay pitong metro na lamang na mas mataas sa 180 meters na itinuturing na critical level.

Umapela rin ang ahensya sa mga residente sa Metro Manila na magtipid sa paggamit ng tubig.

Umaabot sa 96 percent ng tubig na ginagamit ng mga residente sa Metro Manila ay mula sa Angat Dam.

Sa ngayon ay pansamantala munang inihindo ng Angat Dam ang pagbibigay ng tubig sa ilang agricultural land sa Bulacan at Pampanga.

Ipinaliwang ng NWRB na prayoridad ang pagbibigay ng tubig sa mga residente sa Metro Manila at mga kalapit na lugar.

Nauna dito ay ikinukunsidera na rin ng gobyerno ang pagsasagawa ng cloud seeding sa ibabaw ng Angat Dam para madagdagan ang imbak ng tubig lalo’t umiiral sa bansa ang El Niño.

TAGS: Angat Dam, manila water, maynilad, Metro Manila, ngcp, Water supply, Angat Dam, manila water, maynilad, Metro Manila, ngcp, Water supply

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.