Hindi mandatory sa batas ang Christmas Bonus, ayon sa DOLE.

dole-logoWalang batas sa Pilipinas na nag-oobliga sa mga employer na bigyan ng bonus ngayong Pasko ang kanilang mga empleyado.

Ayon kay Labor Undersecretary Nicon Fameronag, ang tanging nakasaad sa Labor Code ay ang 13th month pay.

Paliwanag ni Fameronag, maari lamang na makapag-demand ang mga empleyado ng bonus kapag mayroong collective bargaining agreement.

Para sa mga empleyado sa gobyerno, sinabi ni Fameronag na magkakaroon lamang ng Christmas bonus kapag may natipid na pondo ang kanilang tanggapan o ahensya.

 

Read more...