Kasama sa naaresto isang out-of-school youth na kasabwat umano ng naarestong estudyante.
Ayon kay Makati City Police Chief Coronel Rogelio Simon, nasabat sa dalawang suspek ang mahigit 100 sachet ng hinihinalang shabu na tinatayanh nagkakahalaga ng 1.5 milyon piso at isang kalibre .45 na baril at mga bala na ayon sa estudyante ay ibinenta lamang sa kaniya sa halagang P5,000.
Mahaharap ang mga suspek sa reklamong paglabag sa Republic Act (RA) 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Maliban sa kasong may kaugnayan sa ilegal na droga ay ipaghaharap din ang mga suspek ng kasong Illegal Possession of Firearms and Ammunition may kaugnayan sa umiiral na gun ban sa ilalim ng Omnibus Election Code.