19 anyos na pintor patay sa buy-bust operation sa Davao City

Patay ang isang 19-anyos na pintor sa Davao City matapos umanong manlaban sa pulisya sa isinagawang buy-bust operation noong April 11.

Kinilala ang napatay na si Kobe Maglanat na nakuhanan ng 5 sachet ng shabu at pinaniniwalaang pakete ng marijuana.

Bumunot umano ng baril si Maglanat nang mapagtantong pulis ang kanyang katransaksyon at saka nakipagpalitan ng putok sa pulisya.

Narekober naman ang kalibre .38 revolver sa crime scene.

Itinanggi ng pamilya ni Maglanat na gumagamit ng droga ang kanilang anak at mayroong pagmamay-aring baril.

Ayon sa pulisya, menor de edad pa lamang ay isa na umano si Maglanat sa mga nangunguna sa riot sa kanilang lugar na kalaunan ay naging tulak ng droga.

Read more...