Bukidnon niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang lalawigan ng bukidnon kaninang 12:20 ng madaling araw.

Ayon sa report na inilabas ng PHIVOLCS ang episentro ng lindol ay sa pangantucan sa nasabing lalawigan.

Naitala naman ang intensity 2 sa Cagayan De Oro.

Tectonic ang dahilan ng paglindol na may lalim na walong kilometro.

Wala namang naitalang pinsala o aftershocks ang PHIVOLCS.

Read more...