Joshua Pacio nabawi ang Strawweight Title matapos patumbahin si Yosuke Saruta

Nabawi ni Joshua Pacio ang Strawweight Title mula kay Yosuke Saruta matapos niya itong ma-knockout sa 2:43 ng ikaapat na round ng kanilang laban.

Ang laban ni Pacio at Saruta ay isang co-event ng One: Roots of Honor Friday na ginanap sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nawala kay Pacio ang titulo noong nakaraang Enero dahil sa contested split decision sa naunang laban nila ni Saruta.

Si Pacio ang tanging miyembro ng Team Lakbay na nakabawi ng apat na world titles na nawala ngayong taon.

Read more...