Sinabi ni Angara dapat madoble o maging P1,000 ang buwanang pensyon na nakukuha ng nakatatanda alinsunod sa iniakda niyang Expanded Senior Citizens Act of 2010.
Aniya ang dagdag pensyon ay maliit na bagay lang pero pagpapakita ito ng pagbibigay kahalagahan sa mga senior citizens
Sa nabanggit na batas, tiniyak ni Angara na mabigyan ng dagdag benepisyo ang mga senior partikular na ang pagiging exempted sa 12 percent value added tax sa kanilang mga bibilhin.
Kabilang din si Angara sa mga masigasig na mabigyan ng Philhealth coverage ang lahat ng mga senior citizens.
Aniya kapag nakalusot ang kanyang bagong ipapanukala, anim na milyon ang makikinabang.
Base sa mga pagtataya ng Population Commission, may 8.7 milyong Filipino sa ngayon ang may edad 60 pataas at ito ay lolobo sa higit 23 milyon pagsapit ng taon 2050.