Rejoinder para umakyson ang MWSS – RO sa hiling na parusa laban sa Manila Water isinumite ng grupong BAYAN

Iginiit ng Bagong Alyansang Makabayan na dapat umaksyon ang Metropolitan Water and Sewerage System (MWSS) Regulatory Office sa kanilang petisyon na humihiling na patawan ng parusa ang Manila Water dahil sa water interruption.

Sa isinumiteng rejoinder ng grupo sa MWSS, sinabi ng mga ito na dapat umaksyon ang Regulatory Office ng MWSS dahil naglabas na ng kautusan ang board na pag-aralan nito ang parusa na maaring ipataw sa water concessionaire.

Nakasaad din sa rejoinder ang kanilang stand na dapat magbigay ng rebate ang Manila Water sa mga apektadong konsumidores base concession agreement na itatakda naman ng RO.

Bukod dito, nais din ng grupong Bayan na magtakda ng public hearing ang Regulatory office ng MWSS kaugnay sa penalty na dapat ipataw at pagsuspinde sa water rate hike ng manila water.

Nanindigan ang mga ito na hindi dapat magbase lamang ang RO ng MWSS sa mga isusumiteng papel ng Manila water.

Sinabi ni BAYAN Secretary General Renato Reyes na dismayado rin sila sa tugon ng chief regulator ng MWSS na hindi gumagalaw upang ipagtanggol ang interes ng mga consumer ng Ayala led Manila Water.

Read more...