Nepal nagpatupad ng ban sa online game na PUBG

Ipinagbawal na sa bansa Nepal ang paglalaro ng South Korean online game na PlayerUnknown’s Battlegrounds o PUBG.

Ito ay dahil sa negatibong epekto ng laro sa mental health bunsod ng marahas na content nito.

Ayon sa Nepal Telecommunications Authority, nagpalabas na sila ng circular para i-ban ng lahat ng internet service providers, mobile operators at network providers ang PUBG.

Epektibo sa lalong madaling panahon ang kautusan.

Ayon sa NTA, naging sakit ng ulo ng maraming magulang ang PUBG matapos na ma-adik dito ang kanilang mga anak at halos hindi na nag-aaral.

Ayon sa developer ng PUBG mula nang ilunsad ito nuong 2017 ay umabot na sa 400 million ang user nito.

Read more...