Dinakip ng mga otoridad ang mangingisda na noong buwan lamang ng Pebrero ay nagsauli ng 34 na bloke ng cocaine sa mga pulis sa Surigao Del Sur.
Ayon kay Police Brigadier General Gilberto Cruz, PRO Caraga Director, si Ronie Arpilleda Navales, 48 anyos ay naunang tinaguriang “Good Samaritan” makaraang isauli agad niya sa mga pulis ang 34 na bricks ng cocaine na nakita niyang palutang-lutang sa karagatan sa Tandag City.
Pero natuklasan ng mga pulis na 40 bloke pala talaga ang nakuha ni Navales at itinago nito ang anim na bloke para ibenta.
Isinailalim sa surveillance si Navales matapos na makatanggap ng tip ang pulisya na may ibinebentang cocaine sa Surigao del Sur.
Nang matunugan ni Navales na siya ay iniimbestigahan na nagsauli sya ng apat pang bloke sa mga pulis at sinabi niyang ang dalawa pa ay naiflush niya sa inidoro.
Sasampahan si Navales ng karampatang kaso dahil sa kaniyang ginawa.