Lone bettor, nanalo ng P89-million sa Mega Lotto!

lottoTinamaan ng nag-iisang mananaya ang 89-million pesos na jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO.

Sa lotto draw kagabi (December 05, 2015), lumabas ang winning combination na 14-43-45-05-15-37.

Nabatid na ang solo bettor ay tumaya sa Congressional Avenue, Quezon City.

Samantala, pumalo na sa 182 million pesos ang jackpot prize para sa Super Lotto 6/49. Ang lotto draw para rito ay mamayang gabi (December 06, 2015), at inaasahang tataas pa ang premyo.

Read more...