Cebu City isinailalim sa state of calamity dahil sa epekto ng El Niño

CDN Photo

Nagdeklara na ng state of calamity sa Cebu City dahil sa epekto ng El Niño phenomenon.

Ang deklarasyon ay ginawa ng Cebu City council matapos ang idinaos na special session, Biyernes (Apr. 12) ng umaga.

Dahil sa deklarasyon, magagamit na ang P27 million na calamity fund ng lungsod upang matulungan ang mga magsasakang apektadong ng tagtuyot.

Sa pagtaya ng City Disaster risk Reduction and Management Office ng Cebu City, umabot na sa P15 million ang halaga ng pinsala sa agrikultura ng El Niño.

Partikular na apektado ang 28 mga barangay sa Cebu City.

Read more...