Maja Salvador hinirang bilang kauna-unahang dance ambassador ng NCCA

NCCA Photo
Kinilala bilang kauna-unahang ‘dance ambassador ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ang aktres na si Maja Salvador.

Si Maja na judge sa talent show na “World of Dance” ang magiging mukha ng workshop festival ng NCCA na may titulong “Dance Xchange: The Philippine International Dance Workshop and Festival” at gaganapin mula Apr. 26 hanggang 30 sa Roxas City.

Ayon kay NCCA Deputy executive director Marichu Tellano, magiging katuwang nila si Maja sa promosyon ng kahalagahan ng sayaw at ang paglalahad ng kultura ng bansa sa pamamagitan ng pagsasayaw.

Nagpasalamat naman si Maja sa pagpili sa kaniya ng NCCA.

Pangako ni Maja, gagamitin niya ang kaniyang boses upang mas makilala pa ang sining, kultura at iba’t ibang klase ng sayaw ng mga Filipino.

Read more...