Daraga Mayor Carlwyn Baldo hiniling na mailipat sa Maynila ang paglilitis sa kaniyang kaso

Mula sa korte sa Legazpi City sa Albay, nais ni Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo na mailipat ng Metro Manila ang paglilitis sa kaniyang kaso.

Idinahilan ni Baldo ang umano ay natatanggap niyang pagbabanta sa kaniyang buhay mula sa mga personalidad na aniya ay totoong nasa likod ng pagpaslang kay AKO Bicol Party-list Rep. Rodel Batocabe.

Nais ni Baldo na ilipat na lang ang paglilitis para sa kaniyang seguridad.

Si Baldo ay unang itinuri ng PNP na siyang utak umano sa pagpatay kay Batocabe at police escort nitong si SPO2 Orlando Diaz.

Noong Jan. 22 dinakip si Baldo ng PNP-CIDG sa bisa ng search warrant matapos makuhanan ng mga armas at bala sa kaniyang bahay.

Pansamatala naman syang nakalaya matapos maglagay ng P3 million na piyansa.

Read more...