Sen. Leila De Lima hiniling sa korte na payagan siyang makaboto sa eleksyon sa Mayo

Hiniling ni Senator Leila De Lima sa korte na payagan siyang makalabas ng detention cell sa eleksyon para makaboto.

Sa kaniyang urgent motion sa Muntinlupa City RTC Branch 205, hiniling ni De Lima na pagayan siyang bumoto bilang bahagi ng kaniyang karapatan.

Si De Lima ay nakarehistro sa Parañaque City.

Tiniyak ng kampo ng senador na sasagutin nila ang anumang gastusin sa kaniyang pagbiyahe mula sa detention facility sa Camp Crame sa Quezon City patungo sa Santa Rita School sa Parañaque kung saan siya boboto.

Sa ilalim ng rules ng Comelec pinapayagan ang mga bilanggo na makaboto sa eleksyon sa pagitan ng alas 7:00 ng umaga at alas 2:00 ng hapon.

Read more...