P65M na halaga ng mga pekeng produkto winasak sa Camp Crame

Sinira sa headquarters ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame ang nasa P65 million na halaga ng mga pekeng produkto.

Kinabibilangan ito ng mga pekeng cellhones, pinekeng brand ng mga bag, wallet, sapatos, DVD at iba pa.

Pinangunahan nina ntellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL) Director General Josephine Santiago at Deputy Director General Atty. Teodoro Pascua ang ceremonial destruction.

Kasamang sinira ang Louis Vuitton bags, wallets, cellphone cases na aabot sa P42 million ang halaga; pekeng mga sapatos na P10.12 million ang halaga; pekeng rolex na relo na P1.8 million ang halaga; fake Oppo cellphones na nagkakahalaga ng P10 million, pirated DVDs na P58,500 ang halaga; branded cutting blades, pekeng Lacoste shirts, pekeng bogus sigarilyo at pekeng sabon.

Ang nasabing mga produkto ay pawang nasabat sa mga isinagawang operasyon noong nakaraang taon.

Read more...