Taiwanese magician na si Eric Chien itinanghal na big winner sa AGT

IG Photo
Ang pambato ng Taiwan ang tinanghal na kampyon sa Asia’s Got Talent.”

Nakuha ng magician na si Eric Chien ang grand prize na $100,000 at tinanghal na big winner sa 3rd season ng nasabing contest na ginanap kagabi sa Singapore.

Nasa ikalawang pwesto naman ang 15-year old na tinaguriang “human calculator” na si Yaashwin Sarawanan ng Malaysia.

Nakopo naman ng Power Duo mula sa Pilipinas ang ikatlong pwesto.

Bigo namang makapwesto ang dalawa pang grupo mula sa Pilipinas na Shadow Ace at Junior Good Vibes.

Read more...