P10,481 poverty threshold insulto sa mga mahihirap ayon – Rep. Villarin

Tinawag na insulto ni Akbayan Rep Tom Villarin ang P10,481 na poverty threshold na itinakda ng Philippine Statistics Authority para sa isang pamilyang Pilipino na mayroong limang miyembro.

Ayon kay Villarin, tila tinatrato ng government statisticians ang kahirapan bilang mga numerong maaari nilang paglaruan para palabasing may magandang realidad na dapat paniwalaan ang publiko.

Iginiit ng kongresista na hindi dapat ilarawan sa piso at sentimo ang dignidad ng tao kaya panahon na para ibasura ang statistical indicators at tukuyin ang poverty threshold at disenteng buhay base sa tunay na pangangailangan.

Kung matatandaan aniya ay mismong si Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia ang nagsabing para mabuhay nang higit sa poverty line ay kailangang ang monthly income na 42,000 pesos sa isang pamilyang may dalawang miyembro na kumikita ng tig-21,000.

Una rito ay ipinaliwanag ni PSA Assistant Secretary Josie Perez na ang isang pamilyang may ganoong average monthly income ay maaaring makabili ng basic food at non-food needs ngunit hindi ibig sabihin ay hindi sila mahirap.

Read more...